Dapat nasa Boracay ako starting nung Monday last week hanggang this coming Thursday. May project kasi kami dun and they need someone to do some sitework. Kaya lang hindi ako natuloy dahil ayaw pumayag dun na I'll just stay for a couple of days. Kaya un. Nung una nanghinayang ako dahil una, Boracay un, and pangalawa, site exposure un. Pero inisip ko nalang, siguro its not yet the right time.
Kanina, nalaman ko from our bosses na blackout daw sa Boracay dahil sa bagyo. Pag-uwe ko naman dito, sabi ni Mama na buti daw e hindi ako natuloy dahil un na nga, blackout dun at binagyo pa.
Napag-isip tuloy ako, it's really God's plan na hindi ako nakarating ng Boracay ngayon. He saved me from a difficult time, and I'm very thankful for that. Besides, makakapaghintay naman ang Bora. Makakarating din ako dun. ehehe..
_____________________________________________
Haayy.. Hirap pala magbudget ng pera ngayong magpapasko. Kailangan ng magbudget para sa mga pambigay sa inaanak. Ganito pala ang feeling. First time ko kasi na magbigay na galing talaga sa sarili kong pera since nagwowork na ko. Ganito pala feeling nun. Kaya eto todo tipid at kung maaaring wag umabsent, nde talaga para hindi mabawasan ang sweldo. ehehe..
I want something for Christmas.. pero malabo ko na mabili to at lalong malabo na may magbigay. Kaya ipon to the max.
I want a motorola v3x!

0 comments:
Post a Comment